5 Money Tips For OFW

Ang pagiging OFW daw ay nakakainganyo sa lahat, karamihan sa ating mga Pilipino ay gustong mangibang bayan para makaahon sa kahirapan, kahit batid nila ang mga susuungin mga pagsubok gawa ng pagkawalay sa mga mahal sa buhay. May mga advantage din naman talaga ang pagtatrabaho sa ibayong dagat tulad ng mas malaking sahod, at pagkakataon tumaas ang position, katunayan marami sa ating mga kababayan ang tumatamasa ng tagumpay sa larangan na kanilang ginagalawan na kung iisipin ay malabong maganap kung sa Pinas lamang sila namalagi o namasukan. Napakataas kasi ng qualification standard sa ating bansa bukod pa sa umiiral na KAKILALA SYSTEM o palakasan.

Ang masaklap hindi naman talaga panghabang buhay ang pagiging OFW, darating ang Oras Handa ka man o hindi kaylangan mo ng umuwi sa sariling bayan. Hindi ito forever ika nga. Walang mabilis na pamamaraan para sa tagumpay, kahit sabihin pang mataas ang natatanggap na sahod buwan-buwan kung ang isang OFW ay walang malinaw na kaalaman sa paghawak ng perang pinaghirapan.

Narito ang LIMANG Pamamaraan upang makaipon ng mas-mabilis at makapamuhay ng ayon sa sariling kagustuhan.

ITAKDA ANG IYONG MGA GUSTONG MANGYARI

Mahalagang malaman bago lisanin ang bansa kung ano talaga ang pakay mo sa pangingibang bayan, at sundan ito kahit ano man ang mangyari para makauwi ng may maginhawang pamumuhay. Para sa akin ang aking dahilan kung bakit nagpasya akong mangibang bansa ay dahil sa mga utang na dapat bayaran, magkaroon ng sariling bahay at sariling negosyo. Dapat malinaw kung hanngang kaylan ka mamalagi sa abroad 5 years, 10 years o gusto mo na talagang mamalagi kahit hanngang 20 years. Kayo ang nakakaalam kung ano ba ang sapat na bilang para makapaghanda sa buhay na pinapangarap mo. Sa pagsisimula ng iyong buhay OFW, ang unang dalawang taon mo ay nasa istado ng pagbabayad utang, hindi ba. Karamihan kasi sa atin bago makalabas ng bansa ay kaylangan umutang ng malaking halaga para makaalis lang, ang iba ay nagsangla o nagbinta ng lupa, iyong nagiisang kalabaw na katuwang sa pagsasaka ay naibinta pa. Kung kaya bago tuluyan makaalis ng bansa ay baon na sa utang. Ganyan ang nagyari sa akin, may trabaho naman ako sa Maynila bago ako nag abroad pero hindi sapat para makaipon ako ng pambayad sa agency na may hawak ng kumpanyang pinapasukan ko ngayon, kaya ako ay nasuung sa pangugutang ng perang may napakataas na patung. Tama nga talaga na ang unang dalawang taon ng pagtatrabaho ay sapat lang para pambayad ng utang. Ang masakit na katutohanan tungkol sa pagiging OFW.

ALAMIN KUNG SAAN ISTADO KANA NG IYONG PAGIGING OFW

Kaylangan mo itong alamin para matantya kung ikaw ba ay nakakasunod sa itinakda mong mga alituntunin o gabay para maabot ang mga gustong marating sa takdang panahon. Kung sa tingin mo ay lumilihis ka, balikan mo ulit ang dahilan kung bakit ka nangingibang bayan. Kaylangan laging pasok sa naitakda mong target ang mga hakbang na gagawin mo. Huwag magsayang ng Pera, Panahon, at Lakas sa isang bagay na wala sa iyong plano bago ka umalis. You might be thinking of how long you will be as an OFW, O baka naman FOREVER OFW NA ANG DRAMA MO, siympre aminin mo man o hindi naiisip mo na rin na hindi ito pang habang buhay. Kaya lamang karamihan sa ating mga OFW ay hindi makapag disisyon na umuwi na sa pinas kahit gustong-gusto na makasama ang pamilya, kasi hindi pa handa, kulang o hindi sapat ang pera para makapamuhay na ng tuluyan sa Pinas. Tama?

TAMANG PAG BABAHAGI NG IYONG PERA

Kaylangan planado ang bawat papuntahan ng iyong perang pinaghirapan, huwag maging one day millionaire sabi ng may sabi, dapat mamuhay ka ayon sa iyong kakayahan para hindi maapiktuhan ang iyong paghahanda sa hinaharap, napansin ko kasi ang ugali ng iba sa ating mga kababayan pag malapit na ang sahuran ay laging hawak-hawak na ang ibat-ibang brochure para maghanan ng OFFER O SALE at gastusin ang isang buwan pinaghirapan kahit hindi naman talaga kaylangan dahil sa diskwintong nakakaakit. Sabi nga ng iba kaylangan naman daw bigyan ng reward ang sarili para sa hirap na dinanas sa pagkayod araw-araw.

KUNG MAY NATITIRANG UTANG KA PA, BAYARAN MO NA.

Dapat bago matapos ang itinakda mong paguwi sa Pilipinas ay tapos kana sa pagbabayad ng mga pagkakautang mo, mahihirapan ka sa pagbabayad kung nasa Pilipinas kana at saka ka pa magbabayad, mabuti kung may nakahandang trabaho na naghihintay sayo para nagkaroon parin ng buwanan income, o cash flow.

MAG LAGAK NG PERA SA NEGOSYO O KAYA AY SIMPLING PAGIIMPOK

Mahalaga ito para magamit mo ang iyong pera para tulungan ka sa pagabot ng iyong mga itinakdang gustong marating sa iyong pagiging OFW, ang simpling pagiimpok ay isang uri na ng investment, ngunit mas mabuti kung malalaman mo kung saan mas kikita ang perang pinaghirapan para lalong lumago at dumami, kaylangan malaman mo kung paano ka pagsisilbihan ng iyong pera para habang ikaw ay abala sa pagiging OFW, ay lalong lumalago at lumalaki ito. sekritong malupit iyan ng mga mayayaman. Maraming mga kumikitang kabuhayan na maaring masimulan kahit abala ka pa sa iyong trabaho ay magagawa mo parin kumita ng extra para pandagdag sa iyong mga naipon pera. 

Balikan natin ang 5 Money Tips na dapat mong sundin:

1) ITAKDA ANG IYONG MGA GUSTONG MANGYARI
2) ALAMIN KUNG SAAN ISTADO KANA NG IYONG PAGIGING OFW
3) TAMANG PAG BABAHAGI NG IYONG PERA
4) KUNG MAY NATITIRANG UTANG KA PA, BAYARAN MO NA
5) MAG LAGAK NG PERA SA NEGOSYO O KAYA AY SIMPLING PAGIIMPOK

Sa susunod ay pagusapan natin ang ibat-ibang negosyo na kayang simulan ng isang abalang OFW na tulad natin.

Abangan.....


 Magandang Buhay,


 Kamarudin E. Guiabal
Entrepreneur | OFW | Life Coach

Comments

Popular posts from this blog

Paano Maging NWorld Partner?

OFW Kumikitang Negosyo

Buhay ng OFW sa Saudi Arabia