5 Money Tips For OFW
Ang pagiging OFW daw ay nakakainganyo sa lahat, karamihan sa ating mga Pilipino ay gustong mangibang bayan para makaahon sa kahirapan, kahit batid nila ang mga susuungin mga pagsubok gawa ng pagkawalay sa mga mahal sa buhay. May mga advantage din naman talaga ang pagtatrabaho sa ibayong dagat tulad ng mas malaking sahod, at pagkakataon tumaas ang position, katunayan marami sa ating mga kababayan ang tumatamasa ng tagumpay sa larangan na kanilang ginagalawan na kung iisipin ay malabong maganap kung sa Pinas lamang sila namalagi o namasukan. Napakataas kasi ng qualification standard sa ating bansa bukod pa sa umiiral na KAKILALA SYSTEM o palakasan. Ang masaklap hindi naman talaga panghabang buhay ang pagiging OFW, darating ang Oras Handa ka man o hindi kaylangan mo ng umuwi sa sariling bayan. Hindi ito forever ika nga. Walang mabilis na pamamaraan para sa tagumpay, kahit sabihin pang mataas ang natatanggap na sahod buwan-buwan kung ang isang OFW ay walang malinaw na kaalaman sa pag...