ALAMIN ANG LIMANG PAMAMARAAN PARA MAKABALIK KANA SA PILIPINAS NG HINDI NA MAGAALALA SA BUHAY.
Hello Kabayan,
Kumusta Kayo?
Lagi na lang bang mangagarap na sana maka-uwi na, at makasama ang mga mahal sa buhay nang walang pag aalinlangan, para magawa mo ito dapat handa ka. marami kasi sa atin ang nag sasabing huli na itong kuntrata ko, tapos ito parin tayo hindi matapos-tapos ang salitang HULI NA ITO.
Usapang OFW Kabayan, Tulad mo isa din
ako sa mga libo-libong Pinoy na natali sa mundo ng pangingibang
bayan, Dati-rati ay isa itong pangarap para sa akin, hangang isang
araw ay parang nagising na lang ako na kasama ang aking pangarap,
naalala ko pa kung gaano ako kasaya noon haban iniisip ang maaring
mga pagbabagong maganap sa buhay ko. ngunit sa paglipas ng panahon
nagbago ang lahat Kabayan, napagtanto ko kasi na mas kapakipakinabang
ang aking buhay sana kung sa sariling bansa ko ito maigugol, Marahil
mali na sabihin kung ako ay nagsisi, sapagkat malaking bagay din ang
nagawa nang aking pagiging isang OFW sa pag ahon ko at ang aking
pamilya sa kahirapan. Katunayan ay isa ako sa mapalad na Pilipino sa
aking pinapasukan na nabiyayaan ng magandang oportunidad para lumago
sa larangan aking ginagalawan, ngunit sa pagkakataon ito ay nais ko
sana maging kapaki-pakinabang sa ating kapwa Pilipino na gusto na rin
wakasan ang pagiging isang OFW at mamuhay na ng payapa sa ating
lupang sinilangan.
Marami sa atin ang may pangako sa
sarili, kabayan, ano ang madalas mong sabihin sa sarili mo habang
ikaw ay nahihirapan sa hamon ng iyong paghahanapbuhay dito sa ibang
bansa. HULI NA ITO, AYAW KO NA, Pang ilang bisis mo na ba itong
naibulong sa iyong sarili? Isa, dalawa, tatlo o baka hindi na
mabilang pa. Nasabi mo ito upang maibsan lamang ang sakit, nhirap at
pangungulila sa iyong mga mahal sa buhay. HINDI KA NAGIISA KABAYAN,
dahil ako mismo ay nabigkas ko na rin sa aking sarili ang mga
katagang iyan at segurado karamihan sa ating mga OFW kung hindi man
lahat ay kabisado ang linyang iyan. Nakatatawa at nakalulungkot ang
sitwasyong ito. Ngunit may PAG-ASA pa Kabayan.
Para sa pangarap na pagbabalik bayan,
kaylanga maging handa ka sa larangan ng Financial, Emotional at
Physical na aspito nito. At mapaghadaan mo ito sa pamamagitan ng mga
alituntunin dapat mong sundin kung totong desidido ka na talaga para
lisanain ang pagiging isang makabagong bayani ng ating bansa.
1- MAGTIPID AT MAGING MATALINO SA
PAGGAMIT NG PERA
Isa sa pinaka praktikal na solusyon sa
ating pagka-tali sa ating buhay OFW ay ang kawalan ng sapat na pera
dahil sa hindi tamang pag-gastos ng perang pinaghirapan. Hindi dahil
may darating naman sa susunod na buwan ay uubusin mo na lahat nang
kinita mo ngayon. Hindi masama ang gumastos kung sa tama at
mahalagang bagay na talagang kaylangan sa ating araw-araw na buhay.
2- MAGIPON
Kaylangan gawin mo na ito ngayon, tama
na ang pagsasbing bukas na lang. Kung hindi mo kayang gawin ngayon
malamang bukas ay hindi mo parin kakayanin, Kahit sa maliit na halaga
muna ay simulan ang kultura ng pagiimpok at sanayin ang sarili.
3- MAGHANAP NG KARAGDAGAN PAGKUKUNAN
NG KITA
Mahihirapan kang magipon ng mabilis
kung iisa lamang ang pinangagalingan ng iyong kita, subukan mong
humanap ng ibat-ibang mapagkakakitaan para mas mabilis ang pagiimpok
na ginagawa mo. Maaring turuan mong magtayo ng isang maliit na
negosyo ang pamilya mo sa Pinas upang sa ganon ay hindi puro labas
ang pera. Kaylangan tumulog sila upang ikaw ay maksama na nila ng
matagal.
4- SIKAPIN MADAGDAGAN ANG KASANAYAN
Ang taong may maraming kasanayan ay
hindi nawawalan ng hanapbuhay saan man mapunta. halimbawa isa kang
driver huwag makuntinto sa pagmamaniho lamang sikapin matutunan ang
pag kukumpuni ng makina kung sakaling may problima.
5- MAG INVEST (Hanap kayo ng
mapaglalagakan ng inyony Pera para lumago ito)
Isang sekritong malupit ito ng mga
mayayaman, ginagawa kasi nilang alipin ang kanilang pera sa halip na
maging alipin sila nito, ibig sabihin ang pera nila ay nagtatrabaho
na para sa kaninila dahil sa kabi-kabilang tubo nito sa ibat-ibang
kumikitang investments nila. Ang resulta patuloy na lumalago ang
kanilang pera at patuloy din ang kanilang pagyaman, ngayon alam mo na
kuna kung bakit ang mayaman lalong yumayaman at ang mahirap lalong
naghihirap.
Sana ay nakatulong ito.
Magandang Buhay Kabayan,
Kamarudin E. Guiabal
Entrepreneur | OFW | Life Coach


Comments
Post a Comment